11.28.2004

this is only a test

*a very bad and disturbing dream..

kasama ko ang bestfriend ko papuntang trinity college isang araw. pag dateng namin sa gate, bigla ako nahilo, lumilindol na pala. nagkakagulo sa e.rodriguez..banggaan, nagka-crack ang kalye, nagwawala na ang mga tao at nagko-colapse na ang mga building. iniisip ko nga end of the world na eh. pero di pa rin kami nagbitaw ng bestfriend ko. lalu pang humigpit ang hawak ko sa kamay nya.

di pa rin tumitigil ang pagyanig ng mundo. pero di pa rin kami napapano ng bestfriend ko. maya maya, may nakita na kaming lumilipad sa langit, missiles pala! at papunta pa ito sa kinatatayuan nameng dalawa! takot na takot kaming dalawa habang tumatakbo at naghahanap ng masisilungan. patuloy ang pagluha at pagdadasal. sunod sunod ang pagtira samin at parami ng parami ang mga missiles sa langit. nasusundan kami nito kung san man kami pumunta.

hanggang sa naabutan kami..

magkayakap..

natamaan..

na magkasama..

*forgive my tagalog while telling the story..mas feel ko pag tagalog eh! pero imagine..trinity..we were going to trinity..bat kaya sa tricol pa!? e hindi na ko nag-aaral don!? and missiles..the missiles were following us all the way, wherever we go. it was way freaky! i know theres an explanation for all of these..no matter what it is, it scared the hell out of me! i even caught myself crying when i woke up..haay..langya! mag-ingat ka LILY CLAIRE FALCON! mamemental hospital ako pag napahamak ka!