ang masaya..
nagmeet ulit kami ni kuya ayie once again..[he was my prof before pero ngayon kuya na tawag ku sa kanya kasi di ku na sya prof eh! hehe..] kaya feeling close na..bwahaha..ayun, nagmeet kami sa robinson galleria..[omg..for the first time, naka-apak na rin aku sa mall na yun!] todo kwentuhan na nga eh..we almost forgot to eat! hehe..sayang, di na nakahabol ang birthday celebrant! [ayla]
ayun..nagmistulang "maalaala mo kaya" at "wish ko lang" ang kwentuhan habang kumakaen sa yellow cab..we were talking about our families and about life kasi..yung mga pananaw sa buhay at mga paniniwala..haay..dami ko natutunan dito..kahit puro kalokohan ang nasasabe..dami paring lesson na matututunan..and nakilala talaga namin ang isat-isa! grabe! para naring recollection! bwahaha..close na nga rin sila kagad ni lee eh..as in --> \m/ <--close! bwahaha..dito ko natutunan na live your life one day at a time atchaka yung di talaga mabibigay ni god lahat lahat sayo.. basta, no need to elaborate pa. samen nalang yun! hehe..
ayun, after eating at yellow cab, went to the bowling alley..tsk! kala ku mapapakita ku nga yung full power ko sa bowling eh! ampuch! di ku tayp yung floor! bwahaha..kakaiba kasi! nasanay na ku sa sta.lu pag bowling..pero nanalo aku nung first game! BELAT! bwahaha..kaso nagjojowk yata tong kuya namin eh..di daw sya marunong magbowling..eh nung second game sya yung nanalo! o, dabah! galing naman nun for a starter! ha. ha. <--with kuya ayie's tone
punta naman kami megamall after the game..nagpa-picture kami..hehe..lalang..para may remembrance of that day..grabe, sumaket ang masseter and zygomaticus muscle ko ha! ha. ha. sinu bang hinde!? e puro patawa nalang tong kuya namin! ha. ha.
ang nakakaiyak..
ayun, uwian na..nagtaxi kami hanggang cubao..dun kami naghiwa-hiwalay..ayun..yumakap aku at kumis kay kuya..huhu..naknangpuch..ang sakit ng lalamunan ko at bumaha ang cubao sa tulo ng luha ko..ampf. namiss ku rin umiyak ha!? kaya todo iyak talaga ang lola nyu! haay..bat kaya kung sino pa yung malapit sa puso mo, yun pa yung madaling mawala!? kaya nga dapat todo kapit ka dun eh..para di talaga sya mawawala..i mean phisically malayo pero deep inside nandon pa rin..
haay sir..kuya..ninong..and future kumpare..grabe..mamimiss kita! ingat ka lagi ha!? di ka namin makakalimutan! enjoy life! idol kita!