1.31.2005

first night out..yeahbahness!

january 29, 2005 - my dad told me this day would be special..and my reaction!? "so?" haha..didnt really made me jumpy cuz i know it would be like any ordinary day. but then, i was wrong.

i expected ayla to come here by 10am. and expected patrick to come by as well. nakakagulat nga eh, bigla nalang syang tumawag dito sa bahay early morning. oh, by the way..patrick was my classmate way back first year high school. he was the president and i was the vice president of the class. we had a good time together, and made us real close. as in real real close. anyways, its such a happy feeling seeing him again.

retro! che & pat


[taena. tama na! naubos na ang baon kong ingles! kekekekeke..]

o yun nga! nakita ko ulit si patrick after 1yr!? tapos dumating din si eric ng mga 2:30pm..umales kami papuntang RP cainta..sumakay sa jeep..at alam nyu ba kung sinong nagbayad!? ay grabehness..ang inyung kagandahan ang nagbayad ng jeep! sa lahat ng kasama kong lalake, [si patrick, eric at ayla] ako pa ang nagbayad! bwahaha..baliktad na mundo, nuh!?!

hehe..ayun, kala namen tutugtog sponge cola dun..wala pala..false alarm..dun pala sila sa RP junction. lechon. bumili nalang ako ng belly ring ko..[kahit di ko pa masusuot] and nakita rin namin si mark lili at lenard..masaya na rin..parang reunion! umuwi na rin kami after..wala naman kaming makikita don eh. talaga naman.

so pagdating dito sa bahay, nanood nalang kami ng "my sassy girl". astig yung babae don..nakakatawa. kaso di namen natapos kasi aalis na kami by 6:30pm..pupunta kami sa gig ng step an inch sa RP galleria. at alam nyu ba ang pinaalam ko!? sabi ko, pupunta ako sa debut ng friend ko! bwahaha..syempre todo payag naman si father dear..wala si tita dear eh! nasa lucban! walang kontra! ^_^

nagkita kami ni ivan sa bayan..kasama ko rin si lee..nag-fx kami papuntang cubao tapos nag-mrt papuntang ortigas..naglakad ng napakalayo papuntang galle.

nagdinner muna kami sa mcdo ni lee..[walang kasawa-sawang mcdo!] tapos pumasok na rin sa gasoline alley. [yey, may free beer! lol.]

grabe. di talaga ako makapaniwalang nasa galaan pa ko ng gabe. first time! with no adults pa! astig! haha..pagpasensyahan nyu na ko..first time ko lang talaga pumunta sa gig. tapos gig pa nila ivan. tsk! happiness. nakakatuwa talaga..nakakilala pa kami ng bagong mga fwendsters. harhar. si iann naman ngayon ko nalang ulit nakita after 2 months na yata!? haha..namiss ku pagmumuka nya..kekeke..at etoh pa! mejo tinopak tong si ivan at iann..eh nagsuot ng puti sa gig!? amazingness! haha..bigay ko kasi yung mga tshirt na yun..nakakapanibago nga lang..puti suot nila eh! =p

eto naman ang badtrip. di ko nadala yung mp3 ko. putaness. di ko tuloy narecord ang napakagandang tugtugan ng bandang toh..[ang tagal nga lang ng setup] haha..di pa kasi nagpraktis! tsk! pero grabe, no comment talaga..as in ang galeng..ang daming idoL!!! haha..

che & clay at gasoline alley baliw
kumakanta tugtog bro eddie dame tubig sa labas ulit sa labas sa labas ulit ulit drama si hubs.. may sira na..


umales kami don ng 12am..nag-bus kami hanggang cubao tapos nag-taxi kami hanggang dito sa bahay. ang pinaka-pangit na portion..babayan..huhu..ambiles ng oras talaga..haay..

nagusap pa kami sa phone ni ivan hanggang 2am..para ngang di nagsama buong gabi eh! haha..mauulit ulit toh..sa feb5! sa rakista concert! yey! \m/