2.14.2005

bachoy on da lose!

muse daw

tawagan daw ba ko ng 1:45pm ng isang TAE jan na mag-MUSE daw ako sa BARANGAY CONCEPTION DOS NG MARIKINA kahapon!? kung kelan isang oras at labinlimang minuto nalang para magbihis at mag-ayos!? hayip naman talaga oo. picture lang daw ako kailangan kasama ang mga basketball players ng barangay nila..pero anong nangyari!? nasama na rin ako sa parada. pinakiusapan ako ng ka-teamate ni eric eh..ang layo nga lang ng inikot namen dito sa bayan. bute nalang walang nakakilala sakin. [sana..]

*buntong hininga*

na-model ko tuloy tong taba ko ng wala sa oras. bwahaha..pero okay na rin. nagka-bulaklak ako [na PBA basketball player pa ang nagbigay], P500 gift certificate sa kahit saang robinson mall at may sash pa.

grabe eric, tandaan mo tong araw na toh! you owe me! [ay, hehe..sorry kung na-pakyuhan kita nung nasa harap kami ah..bwakekeke..di ko naisip na aabot sa ganon yung favor mo eh!]

ps: "tae" is what me and eric call each other. "ka-sweetan" daw yun sabi nya..talaga naman pag weirdo nuh!? haha..