2.06.2005

rockista concert

"freedom from responsibilities comes early this month. take advantage by doing something out of the ordinary with friends. love lurks just around the corner. this couhld be good because what you feel is reciprocated. watch out for friendly charmers who only want favors from you in return." -candy mag

yan ang nakatala sa horoscope ko para sa buwan ng pebrero. at ngayon ang araw na tinutukoy jan. di ako naniniwala sa horoscope pero siguro nagkataon lang yan. natuwa naman ang lola nyu. ha.ha.


sabado ngayon. departmental midterm sa anatomy ng 3-5pm. wala pa kong aral, tinulog ko na lang. pagsapit ng 1pm, di na magkanda-ugaga sa kakamadali dahil ipapasa ang lab manual pagkatapos ng exam. at nang nauubos na ang oras, hala..chaka lang nagreview. cramming na ang lola nyu.

nang nakuha na ang test paper, kinarir ko kagad ang papel. sagot lang ng sagot. natapos ko ang exam ng isang oras. ako pa ang unang lumabas.

nagpasundo ako ng 4:30pm sa manong drayber namen. e maaga pa kaya todo hapit pa rin sa lab manual. excited na kaming tatlo dahil makakatalon na kami mamaya sa napakaraming tao.

hapit time!

7pm kami umales ng bahay namin. ako, si ayla, precious, eric, ivan, iann at maiko. pito kaming lahat papunta sa rockista concert.

pagdating don..whats new!?!? syempre color of da day..BLACK! kahit san ka lumingon, puro mga nakaitim ang mga tao. nakakalunod! bute nalang ako, nakadilaw! ISPANSBAB ang tshert ko para kitang kita ako! bwahahahaha! yunik!

nang nakapasok na kami sa loob, inum kagad ng redhorse ang inatupag. gusto ko sanang ubusin kaso ayokong maihi dun, marumi pa naman ang mga cr. direcho kami sa gitna ng moshpit habang maluwag pa at walang tumutugtog. infairness! natakot ako ah! di ako makapaniwalang nasa pinakagitna kami ng napakaraming mababahong mga tao. bwahahaha! nung tinawag na ang susunod na banda..AGAW AGIMAT daw..langya, nagsiksikan na..gumawa pa nga ng bilog ang mga boys para kaming mga gurls nasa loob. nahihirapan na ang lahat sa siksikan..ang mga muka, di maipinta. at ako!? tawa lang ako ng tawa sa kahit anong hirap sa loob ng moshpit. as in tawa..ng tawa..ng tawa. muntikan na nga ako tamaan sa ulo nung may biglang tao sa taas namen eh! pero tawa pa rin ako ng tawa. hanggang sa makalabas na kami..nakangiti pa rin ang lola nyu. di ko alam kung pano ko pa nakayanang tumawa sa hirap ng siksikan sa loob. basta tawa nalang. natatawa ako kasi ang kulit ng mga tao. pilit na tumatalon, e wala nang matatalunan pa. pag mejo kumaliwa ang direksyon ng isa, lahat na ata damay na parang london bridge is coming to town. haha..nakakatawa talaga. kahit napakahirap. oxymoron nuh!?

paglabas, ayun nga. mga nagdala ng mga cellphone ang mga kasama ko..binulsa. ako, iniwan ko sa bahay. si precious, nakilagay kay ivan. e si ivan, nakasama rin sa moshpit. ayun, natangay ang cellphone ni precious. ngayon, wala na.

bumalik kami sa taas. dun sa malayo sa moshpit. nagaalala na si precious eh. pero wala na yun eh. as in to da nth power. haay..

umales na si eric ng mga 10pm. may bday pa raw na pupuntahan. sina iann naman at maiko, ayun..pabalik-balik sa moshpit..pabalik-balik rin sa bilihan ng redhorse.

at kami. ayun, nakatayo..nanonood nalang ng mga tumutugtog. syempre enjoy naman. at least wala kaming aalalahanin na dudukot ng cellphone diba?

nung GRAYHOUNDS na yung tutugtog, halos lahat ng mga nakaupo dumerecho sa moshpit. pati sina precious at ayla sumunod kina iann. talaga naman. walang katakot-takot. ako!? ayoko nuh! dami nila eh. puro lalake pa. bwahaha..natira nalang kami ni ivan sa taas. tinulugan pa nga yata ako nung niyakap ako eh. bwahaha..di naman love song yung tinutugtog! =p

pagbalik nila iann. hala. sya naman ang nakuhanan ng cellphone. galit na galit, na bumalik sa moshpit. pucha, natakot ako huh. feeling ko magkaka-riot na. syempre pag balik nya, wala pa rin diba. ang daming tao, di nya mahahanap yung kumuha nun. puro mura mga lumabas sa bibig ng taong to'. parang galet na galet sa mundo. kinamumuhian na daw nya ang mga pankista. at simula daw ngayon, magiging racist na daw sya. alangya. patay tayu jan. no comment na ko nyan.

nung si KITCHIE NADAL naman yung susunod na performer, si ayla nagmistulang wonderwoman at bigla nalang nawala! parang natangay ng kung anong hangin at dumerecho sa moshpit magisa! parang tanga! bwahahaha! bute nalang sinundan ni maiko. yung babaeng yun talaga oo! masyadong na-carried away! hahaha..

astig yung drummer ng VALLEY OF CHROME! astig lang sya! ang galeng!!! IDOL!!!

mga 2:15am na kami umales ng concert. hinintay lang namin yung SANDWICH tumugtog. kaso nga lang wala si marc abaya kaya umales na rin kami.

si iann humiwalay na sa sakayan, nagtaxi na sya kasi sa makati pa sya uuwe. kami, nagjeep hanggang bayan.

haay..kakaibang araw na itu. di ako makapaniwalang tapos na. bilis talaga ng oras pag nageenjoy nuh!? di bale, may MARCH 19 pa naman eh..ROCKISTA RELOADED naman..at alam nyo kung saan!? dito sa tabi namin na SPORTS CENTER! astig! tatawid lang ako! bwahahaha! at sa susunod, WALA NANG MAGDADALA NG CELLPHONE! dapat lang nuh!

psst! iann, maiko, ivan, eric..salamat sa pagprotekta sa mga gurls..astig kayu! sa march ulit ha! precious at ayla..sa march ulet ha! masaya yun! \m/

still sitting lasheng na!


eto yung pix namen pagkagising. mga nagmistulang mga chinita ang mga bebot na toh..mga kulang pa sa tulog! bwahahaha..=p

chinita gurls