first 3 days of graveyard shift at the medical and surgical ward.
haay.
it was fun. a different experience kasi kami gising tapos yung buong mundo tulog na. kaya napakatahimik ng aura. nakakatakot tuloy minsan. hehe..naka-encounter ako ng isang private patient. pag sinabing private, mayaman yun. kaya medyo ingat sa galaw.
lets hide the patient's name as 'tukneneng'. 12mn is vital signs time. so i got tukneneng's vital signs with jericho. after the whole session, sabi nya "sa inyo ba yang thermometer?" sabi ko "opo"..ayun. paglabas ng kwarto sabi ko tuloy kay jericho "hala, ang sungit naman nun, doktor siguro yun.."
binaliwala ang pagtanong nya nung gabi, kumuha ulit kami ng vital signs ng 5am. at eto ang naging usapan:
chelo & jericho: goodmorning po! kukuha lang po ulit ng vital signs..
tukneneng: kayo yung kagabi nuh!?
chelo: opo. bakit po!?
tukneneng: ginamit nyo ang thermometer nyo, hindi nyo manlang nililinis, galing sa ibang kilikili yan, nakakadiri!
nanay ni tukneneng: naligo pa nga yan after nyo kunan kagabi eh..
chelo: naku po, nililinis po namen mga thermometer namen bago umatend sa pasyente.
tukneneng: madaling sabihin pero sana nakikita namen sa harap namen na nililinis nyo!
nanay ni tukneneng: e kasi, ang thermometer, nakakatransmit ng bacteria pag hindi hinuhugasan okaya inaalcoholan.
chelo: opo, alam po namen yun..tinuro po samin yan kaya sinisigurado po namen na malinis yung thermometer bago umatend sa pasyente.
tukneneng: eto, eto gamitin nyo. [binigay thermometer nya..] nagpabili pa ko ng thermometer kasi ayoko ng thermometer nyo.
chelo: osige po.
habang kinakausap si tukneneng, todo ngiti pa rin ang lola nyu..na kahit gustong gusto ko nang maines, project pa rin ng ngiti! haay. amplastik! pag labas ng kwarto, sobrang nagulat ako sa nangyare..grabe! yoko na pumasok ulit dun! hehe..
kakaibang experience yun. pero im glad i handled it well..alam kong marami pa kong maeencounter na antipatikang mga pasyente na porke na ba may pera sila e pwede na nila kami ismolin. mali ata yun! basta ako, trabaho lang..walang personalan!
marunong na rin ako mag NGT. [sa ilong padadaluyin ang pagkaen kasi di makakanguya ang pasyente],CBG [capillary blood glucose..kukunan ng dugo tapos titingnan kung normal ba yung sugar nya sa katawan..], pag-drain ng wiwi, at syempre ang walang kamatayang vital signs!
masaya sa medical surgical ward. maraming ginagawa kaya hindi boring. andami pang matututunan kasi iba-iba ang case ng pasyente. fulfilling naman ang duty for this week. yun nga lang, nakakapanibago sa sleeping hours.
dadating na pala si papa bukas! yey! ^__^