8.29.2005

aug24-wednesday
- girl bonding dito sa house with joy, ayla and nikki..walalang. tambay lang. tapos pinarinig pa ni tita yung mga songs nya sa japan before..nabighani nga sila eh..haha..=p nag ISAW na ulit kami! sheesh! mga 1month and a half na kami di nag-iisaw! usually, once a week kami nag-iisaw sa UP. e sa sobrang hectic ng sched at sa pagtitipid, ayan..natagalan bago mag-isaw ulit. sa wakas! ^__^ kaso taena. nasira ang dieta ko. deym. T_T i also got 1.25 and 1.5 sa midterm ko sa swimming! haha..ashteeg!

aug27-saturday
- after our duty and case pres at the morning, went to san pablo laguna for a debut. hindi ko sya friend. anak ng kabarkada ng tita ko ang may debut. e para makalayo-layo naman kami, edi sinama kami. taena, dun kami nagbihis sa bahay ng kada ni tita sa laguna. aba, e mas matagal pang magbihis at mag-makeup kesa saken!? siyeet. siguro it took me 15mins to dress up and fix myself. e ang mga "oldies-but-goodies"? mga 1hr and a half lang naman. na-late pa tuloy kami ng 30mins sa debut. ayos lang ang celebration. syempre di ako gaanong nag-enjoy kasi di ku naman kilala mga tao dun dabah. pero nakaka-miss lang mag bonding with highschool friends and with college friends..(social suicide naman kasi tong nursing na toh nuh!) siyet.

siyeet..ang ganda ng lola nyo! haha.. naka-tube aku..huwahaha..

i hate this kind of feeling. yung may namimiss. ewan ko. there are just days that i wake up missing something. i miss:
1. mia & diana- my gradeschool friends..si mia, mga 1yr ko na atang di nakikita..si diana naman, im worried..kasi may family prob sya..(akin na lang yun..)
2. hs kada- although nagkitakits kami nung bday ni tae, (erik) e miss ku na rin ang bonding namen..di kami kumpleto nun eh.
3. si lily- ang kambal ko sa lahat ng ginagawang kalokohan at kaflipan. siyeet. miss na miss ko na sya. yung mga picture taking namen sa kwarto, mga model model ng damit, yung SHOPPING namen, yung pag alaga nya saken pag nagkasakit ako, at ang pag-intindi namen sa isat-isa. lee, miss na miss na kitaaaaaaaaaa!!! =(
4. trinity friends- siyeet. kayo ang stepping stone ko nung nag kolehiyo ako. miss ku na kayo! sina randy, oley, francis, henric, randall, maita, joie, dyan, joshua, mark..huhu..miss ko na kayo! yung mga foodtrip naten at ang mahiwagang gravy naten sa kfc..ang imbentong frat naten na ang poste ng meralco ang ipinang-iinitiate! wahahaha..namiss ko din ang walang kasawa-sawang asar nyo sakin na bato, amazona at jen rosendahl!
5. trips- mga trips na kelangan ma-achieve for school purposes..astig yung mga yun! bonding naten yun eh!
6. birthdays- mga kaarawan ng mga kaibigan..super bonding at inuman. yung fieldtrip namen before sa tricol..yun yung first overnight ko! bday ni lily at bday ko kung san nabubuo ang hs kada..
7. i also miss my mom- yes i do..miss ko na rin si tita rhea, ang bagets kong tita. miss ku na ang tate..malamig kasi dun at walang polusyon. miss ku na yung malaking kama ko at malaking kwarto ko dun. hehe..masarap din magbihis don. walang pakelamanan kung anu suot ng isang tao. dito kasi super pakelam eh. pero taena, wala ku pakelam sa iniisep nila. at pag ayaw nila, edi wag. yun lang yun.
8. rock concerts & gigs- deym. i miss this bigtime! mga islaman na tawa ako ng tawa kahit hirap na hirap na sina hubs sa pag-gawa ng "circle"..yun yung mga oras na taena, walang pakelamanan kahit nangangamoy na kami at parang walang problema! tapos inuman blues hanggang 9am dito sa bahay na lasheng na lasheng na si eric at nagmukang boarding house ang bahay sa dami namen! miss ku na yun!!
9. sina rjay- yung jamming nyo dito! at jamming din ng kung sino-sinong mga friends ko! asteeg! \m/
10. kuya ayie- da best sa mga advice. sya lang ang nakilala kong matanda pero COOL! chaka sa kanya ko din natutunan i-enjoy ang buhay. na pwede naman pagsabayin ang kalokohan, kasiyahan sa pagiging mature eh. basta marunong lang tayo tumayming at ipag-jive ang dalawa! astig ka kuya!
11. james- pare, miss na kita! haha..marijuana nga kita! taena, lagi akong high, praning at flip pag ka-chat kita. taena, punta ka na dito! pag nakakarinig ako ng dashboard ikaw naaalala ko! promish! =p
12. step an inch- miss ku na din kayo mehn. mga kalokohan..mga jamming nyo na epal ako at nanunuod! haha..chaka yung tambay sa webzone! dabest! haha..miss ku na rin inaanak ko!! mustah na sya!?!? pangitiin nyo lage ha!? para pumogi! sabihin nyo hihintayin ko sya! haha! =p

twelve nalang muna. baka bumigay ako, di na matapos tong listahan na toh. haha..haay. ambiles ng buhay. cherish nyo lang habang dumadaan. mamimiss nyo yan pagtanda nyo. take it from me.

pero mahaba pa naman ang buhay. the journey doesnt end now. magagawa ko pa yang mga yan someday. pag hindi na busy. dami ko pa rin gusto sa buhay..dami ko pang gusto ma-try..tulad ng:
1. bungee jumping
2. rock climbing
3. gusto kong bumalik ng spain and meet my relatives again! wanna go places somewhere in europe! gusto ko rin makapunta sa canada..sa australia..siyeeet! dami nuh! haha..taena yung malapit lang muna..BORACAY at PALAWAN! di pa ko nakakapunta don! geeez!
4. parang gusto ko rin mag-stewardess..(haha..as if!) yun kasi yung easiest way to go around the world eh! haha..
5. parang gusto ko pa rin mag-aral after ko grumaduate..di ku alam kung magma-masters ako sa nursing o ibang course..yoko pa magtrabaho eh! gusto ko pang ienjoy yung buhay ko at magka-baon! hahaha..=p
6. gusto ko magka-BANDA!! for real!
7. sumale sa pinoy big brother! haha..mukhang exciting eh. yun nga lang, ang hirap magbihis. pero astig. "pinoy ikaw ay pinoy..ipakita sa mundo kung ano ang kaya mo..ibang iba ang pinoy..wag ka matatakot..pinoy ako, pinoy tayo!" wahahaha..LSS ko na yan! =p

o, tama na. haha..para akong nasa dreamland ngayon ah. pero promish, from da bottom op my heart..sana matupad lahat yan. haha..

ansaket ng legs ko. langya, battered ako ngayon ng gym trainor ko. haha..kuya RYAN! haha..flip ka! haha..lalang. bukas ulit! dapat magka-abs at gumanda ang legs! determinado ako! ^__^

o sya. wala kasi pasok bukas kaya umabuso muna sa internet. pag nagsimula na kasi ang linggo, di ku na nachechek ang internet sa sobrang toxic. oh well..

"talagang ganyan ang buhay, dapat ka lang masanay. walang mangyayari kung laging nakikibagay. ipakilala ang yong sarili anu man sayo ang mangyari ang lagi mong iisipin kayang kaya gawin!" -orange and lemons, pinoy ako