10.09.2005

xempre, bago na ang layout ng friendster kaya nung nagka-oras ako mejo tiningnan ko ulit mga alaga ko sa friends list ko..at eto ang natuklasan ko sa aking linakbay..

ang daming BUNTIS at mga may anak na sa kanilang mga boipren! may gash!

hmm..wala nga siguro ako sa tamang posisyon para pangaralan sila dahil sila ang namamahala sa buhay nila..naaawa ako kasi parang nilalagay ko ang aking sarili sa kalagayan nila..nasayang ang mga pangarap nila sa buhay dahil sa isang bata. maghihirap kumayod para lang may ipakaen at ipambili ng damit at pampers ng bata..haay..sa bagay, blessing nga daw ang pagkakaron ng anak. pero panu kaya naging blessing yun kung di naman nila kayang pakainin at bigyan ng magandang buhay ang anak nila? na nagkanda leche leche na yung buhay nila tapos pati yung anak nila idadamay pa nila!?

o, hindi ko nilalahat yan ha. dahil may mga kakilala din ako na maayos at masaya naman ang buhay nila ngayon. wala lang. bigla lang pumasok sa isep ko.

kaya kayong mga ka-edad ko! jusko po, ienjoy nyo lang yang pagiging single nyo! gawin lahat ng gustong gawin bago mag-asawa! at ang pinakaimportante, MAGTAPOS muna kayo sa pag-aaral bago kayo kumerengkeng, ha!? plis lang. tayo pa naman ang sinasabe nilang "pag-asa ng bayan"!

*gayahin nyo si kuya AYIE! kung kelan nag-asawa, chaka dumami ang chiks! wahahahaha..=p